Friday, September 29, 2006

sa pagdating ng pasko...

i wrote this a year ago during a post xmas party while having a few drinks. my friends didn't have any idea that while i was tinkering on my mobile i was actually writing something.

by olive - dec 10, 2005

pasko ay nalalapit, di maramdaman
pangakong pagbabalik, nais kalimutan
tuwa ay lumipas, ngiti'y naglaho na
ningning sa mata'y di na makita

naisin ko mang kahapon natin sabay nating balikan
pag ibig sa puso ay di masumpungan
galit at hinampo aking dinamdam
ipikit man ang mata di makalimutan

anuman aking gawin, oras palipasin
lahat ng kaibigan, ako man ay aliwin
lunurin ang sarili sa saliw ng tugtugin
pag pikit ng mata, ikaw pa din ang hiling

espiritu ng inumin matapos maglaho
sakit ng kahapon narito pa dn sa puso
ngayong nalalapit na ang araw ng pasko
lalong masakit, hapdi sa puso ko

kayakap ang unan sa gabing malamig
kasiping ang luha hanggang sa mapikit
pinagsamahan natin di mawaglit sa isip
pilit binabalikan ng pusong makulit

tanong ng isip ko ay hanggang kailan
pilit hinahanap ang kasagutan
baligtarin ko man ang mundo, isip ko man ay malito
tanging ikaw pa dn tinitibok ng puso ko

sabihin man nilang martir, ilan may sabing baliw
bulong ng damdamin ko, tanging ikaw pa din
hanggang kailan ako maghihintay? aking katanungan
maaaring hanggang kaw ay malimutan o posible ding hanggang pasko ay dumaan...

No comments: