Tuesday, October 17, 2006

martir lang

kung uso pa ang binabaril sa luneta dahil sa pagiging martir
maari mo atang isama ang pangalan ko sa listahan
at hindi ko itatatwa o ipagkakaila
kasalanan ko ba ang maging martir?


gisingin mo man ang natutulog kong damdamin
di ko mawari bakit parating sayo ko ninanais na bumalik
sino ka nga ba? buhay ka pa ba?
bakit damdamin ko ata'y bato na?

alam kong walang patutunguhan
itong ganitong uring kahibangan
sana nga ito ay isang panaginip na lamang
o baka sadyang talagang martir na nga lang ako?

wala akong hinihintay na anumang pagtingin mula sa yo
hindi rin ako nabubuhay sa ating nakaraan
ano nga bang nakalipas ang meron tayo?
alam ko naman kung asan ang dapat kong kalagyan

ninais kong kasuklaman ka
sa lahat ng pasakit na dinulot mo sa buhay ko
ninais kong isumpa ka at ibaon sa limot
di ko nga lang talaga maturuan ang puso ko

sadya nga lang sigurong ibang klase akong magmahal
isang pagmamahal na maari ngang ipabaril sa luneta...

No comments: