ang pakikipag-relasyon , di isang laro. di pwede ang kunwarian lang. taya ka ngayon, bukas ako naman. o ang ma-inlab, talo! kumusta naman yun? di na tayo mga bata para maglaro pa. syempre pa, di ka naman papasok sa isang relasyong walang pagmamahal. dapat meron yun dahil yan ang isang malaking bahagi ng relasyon. walang mabubuong relasyon, kung di nagmamahalan ang dalawang tao.
saka dapat yung seryoso naman, yung may bukas na patutunguhan. hindi-yung-kung-ano-na-lang-ang-meron-ka-ngayon-dapat-kuntento attitude na. syempre, handa ding masaktan. lagi namang ganun at dapat kasali talaga yun. di naman pwedeng always in bliss. wala namang perpektong relasyon at ayaw ko din naman yung laging nasa honeymoon stage. di na totoo yun. babalik lang tayo sa larong relasyon.
at dapat pag pinasok mo 'to, paninidigan mo. kung di mo na kaya at nasasaktan ka na ng sobra sobra, baka panahon na para lumaya. syempre, sino ba naman ang gusto na laging nasasaktan? ayaw ko din naman yun. at kung palagi namang ganun, mas mabuti pa ang mag isa. di naman ako malungkot kung ako lang. sanay naman akong mag isa. at least, walang mananakit sa kin emotionally and physically. saka masaya din naman ako kahit mag isa lang, madami akong kaibigan. lagi akong may gimik pag friday night at weekends. pero syempre, kung may choice.. ayoko mag-isa. gusto ko may kasama pero kung ang kasama ko pala naglalaro lang, eh ibang usapan na yun.
nope, hindi kita sasabihan at wala kang maririnig sa kin. pagdating sa ganyan, di ako sanay lumaban. patas ang lahat pagdating sa pagibig pero dyan di mo ako maaasahan. magaling lang ako mangaral pero wala akong alam. pag ako na ang nilagay mo sa ganyang sitwasyon, di ako lalaban. kung tutuong pagibig, di ko na kelangang ipaglaban dahil alam ko at mararamdaman ko ang pagmamahal. pag wala na yun, wala ng laban. talo na ko. suko na. mas masakit kung lalaban pa pero sa huli alam ko naman na sa wala pa din mapupunta ang lahat.
minsan na kong dumaan sa ganitong pasakit, ayaw ko na ulit ulitin pa. sinabihan ko na ang sarili ko na magtanda na. masakit masaktan. ayaw ko ng magdaan sa ganung pasakit ulit. pero kung sa ganong paraan ko lang mararamdaman ang pagmamahal, hindi ako magdadalawang isip na muling masaktan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment