dikolam kung san mag uumpisa. o kung pano nag umpisa. nag usap tayo, tinanong kita, sumagot ka. may kulang. dahil paikot ikot lang ang naging usapan natin. hanggang walang kinahantungan. paligoy ligoy. para tayong lasing na di nagtutugma ang sagot sa tanong.
gusto mo kong kausap, paminsan minsan. pag naiinip ka. pag wala kang kausap. naaaliw ka. or wala lang. walang magtyagang kausap ka. ako lang. o natutuwa ka pag kausap ako, ano ako clown? tinanong kita kung bakit. na dapat di ko ginawa. dapat pinigilan ko ang sarili ko magtanong. para kong tinulak ang sarili ko sa bangin. na buti na lang di mo pinatulan. dikolam kung sino ang mas sensible sa ting dalawa. ikaw na di pumatol pero parang gustong pumatol o ako na sa umpisa pa lang alam ko na dapat di na umabot sa ganito.
wala, wala pa namang kinahantungan ang lahat. di pa man nag uumpisa, naudlot na. wala kang sinabi, sinagot mo pero di mo sinagot ang tanong ko. naisin ko mang mag usisa, alam kong di dapat. at dapat di na natin pag usapan yan. tapos na ang kabaliwan na dapat di na sinimulan.
di ko na kelangan alamin ano ba ako para sayo. wala namang mababago kahit malaman ko. di mo man aminin, alam mo na alam ko na meron kang iba at ano man meron tayo, ay mga sandaling hiram lamang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hey Olive:)
Thanks for linking me to your blog.
Seems that we both are hopeless romantics...
Post a Comment