hayy.. after so long na ayaw ako kausapin ni ram. nakausap ko sya kagabi. akala ko westernized na ang batang 'to at somehow distance kept us apart. nagkamali ako. at na-miss ko sya bigla.. buti na lang at winter break sa kanila. at nasa mood makipag-usap.
our conversation went like this:
ram: uhmm.. hmm
tita: anong ginagawa mo? baket ayaw mo sumagot?
ram: kumakain ako...
tita: anong kinakain mo?
ram: pancit canton
tita: penge naman..
ram: eh si tita... wala ka naman dito, nasa singapore ka.
tita: pag andyan ako, bibigyan mo ko?
ram: punta ka na dito. kelan ka ba pupunta? sa bday ko, 7 na ko.
tita: saka na lang. uuwi pa ko sa unoy.
ram: baket ka uuwi sa unoy?
tita: titingnan ko muna si daddy and mommy. di ko na sila nakikita, miss ko na sila.
ram: eh di mag-chat na lang kyo..
tita: hindi naman marunong mag-chat si mommy eh. naka-chat mo na ba sya?
ram: hindi pa. si tito yhek lang.
tita: uuwi muna ko sa unoy saka nasa philippines din si tita emie. magkikita kame magpapadala ko ng package para sa inyo. ano ba gusto mo? mag-sm si tita.
ram: ano yung sm?
tita: eh di ung mall na pinupuntahan nyo ni mami.
ram: mall? hindi naman kame nag-mall ni mami.
tita: nag-mall kayo. dyan din kayo punta ni beye nung nasa cubao pa tayo nakatira.
ram: hindi ka naman nakatira sa cubao eh
tita: tumira ko sa cubao
ram: hindi. ako, si mama, papa and rev alng ang tumira sa cubao.
tita: ako din tanong mo si mama.
ram: mama, mama.. tumira ba sa cubao si tita?
mama: (hindi ata naintindihan ang tanong)... nasa singapore si tita mo.
ram: hindi daw sabi ni mama.
tita: tumira nga ako dun.
ram: eh san ang room mo?
tita: yung maliit na room. kyo nila papa sa sala, natutulog eh.
==== change topic naman..
tita: may girlfriend ka na noh..
ram: shhessh!
tita: anong shhessh?r
am: quiet ka! wala akong girlfriend..
tita: ilan na ang girlfriend mo? sino ang meron? si rev meron na?
ram: wala din si rev..
tita: ahh ako din walang boyfriend.
ram: sumbong kita kay mama... mama, mama.. si tita daw walang boyfriend!
tita: (bakit ako sinumbong? wala nga akong boyfriend) baket? eh wala nga akong boyfriend..
ram: hindi ka pedeng mag boyfriend!!
!tita: baket?!
ram: kase tita ka lang! kaya di ka pedeng mag boyfriend..
tita: hah?! pede akong mag boyfriend..
ram: hindi hindi hindi tita ka lang...
tita: pwede.. pwede!
ram: bahala ka nga! mama, eto nga. kausapin mo. ang gulo kausap!
haha na-miss ko nga pamangkin ko. natandaan ko pa more or less takbo ng usap namin kagabi.